<$BlogRSDUrl$>

Tuesday, March 21, 2006

quid pro quo 

It is very interesting when I read a poem written by friends and it sparks an interest in me to write a response to theirs via another poem. Remember "The Passionate Shepherd to His Love?" by Christopher Marlowe and Raleigh's response in "The Nymph's Reply to the Shepherd?" I had a blast reading the two together in high school. Not that I understood it reight away. It took the teacher to "unlock the difficulties" so to speak, before I understood. Anyway, I have been fond of this and have responded in several poems written by blogger friends like Julsitos who wrote a political satire using Shakespeare's Romeo and Juliet (too bad I couldn't find it in his archives).

My blogging barkada blogkadahan which is celebrating its first year anniversary of existence in bloglandia has agreed to put up posts on our take on the word "poverty" - what it means to us and how we relate to it. Interestingly, one of the members, Toni came up with a poem which goes like this:

Pula ang ilaw

Nandiyan ka na naman
kumakatok-katok, nagsasabing “Ate, Kuya,
bili ka na, para lang ako’y makauwi
hindi pa ako kumakain,” katok, katok
dikit ng mukha sa bintana kong tinted.

Anino at boses, mistulang multo
Hindi kita nakikita, hindi kita tinitingnan
Hindi nakikita ang anino sa dilim — katwiran, kakulangan, nakasanayan.
Umalis ka diyan sa bintana kong tinted.

Diretso ang tingin, puno ang isipan,
sino ba naman ang magulang nito?
Huwag (daw) magbigay, baka sindikato.
Huwag (daw) magbigay, rugby bibilhin niyan.
(Hindi ko alam ang kwento ng mga anino).

Kapag binigyan kita ng piso
aalis ka ba? (wala namang nabibili sa halagang ito)
umalis ka na kasi diyan, nababasa mo ba ang hindi ko pagtingin?
eto na nga ang limang piso; ano? ang mahal naman ng sampagitang ‘yan.
saan ba napupunta ang kita mo?

Katok-katok, sabi ng anino
pikit-mata ako, sana’y sa pagbukas wala ka na
di raw kita nakikita; isang larong mapagkunwari
gabi-gabi tayo’y magkalaro, anino sa anino
(sino ba talaga ang nananalo?)

Alis na, alis na, mga mata’y diretso sa daan.
Nasan ba kasi ang DSWD? Bantay Bata? MMDA?
(maalis… alis! maalis… taya! bantay pare, doble taya!
hanapin daw ang taya ng laro sa dilim)
Hindi kita tinitingan, mapagkunwaring pansin
Anino’t Sampagita sa bintana kong tinted.

Berde ang ilaw!

toni


This steered me to compose a response and this is how it went:

Uy, pula na ang ilaw

Oo, ako na naman ate.
kumakatok, umaamot ng konting awa at barya
bili na ng sampaguita sa murang halaga
kumakalam na ang aking sikmura
utak ko’y malapit ng kumatok at tuluyan nang masira

naririnig mo ba ang aking panaghoy?
nakikita mo ba ang dungis sa aking mukha
gula-gulanit na damit at maruruming palad?
ako ba’y mistulang anino
o sadya mong iniiwasang tingnan sa loob
ng tinted mong mundo, ng katwirang nakasanayan?

Lingunin mo ako, ate, ibsan mo ang bigat ng iyong isipan
wag mo nang pakaisipin pa ang kung anu-ano
hayaan mong ako na ang pumasan sa bigat ng daigdig
bigyan mo lang ako ng konting awa at barya

sampung piso lang at ako’y yayao na
patungo sa kabilang awto
sige na po, ate, kahit na nga po lima
mabango ang bulaklak na gawa sa tyaga ng gutom na mga kamay
ni inay na nanginginig, inuubo’t lumulura ng dugo

“katok lang ng katok,” anas ko sa sarili
manhid ang mukha, umaasang sana’y pagbuksan mo
alam ko’ng nakikita mo ako, ang anino ng multo
multo na gawa mo at ng lipunang ginagalawan mo,
ateng naka-awto

wag munang umalis at ako’y pagmasdan
isang maralita at hamak, alipin ng lipunan
ang buhay ay hindi isang tv na kung ayaw ng palabas
ay ililipat o papatayin mo.
Ako ay tunay na tao, nagsusumamo na sana’y bilhan mo.
Tanggalin ang tint ng iyong bintana
upang makita mo kung ano ang tunay na hitsura ng mundo.

Ay, berde na, paalam, at bukas muli

If you need further assistance please see this
Comments: Post a Comment

This page is powered by Blogger. Isn't yours?