<$BlogRSDUrl$>

Friday, February 17, 2006

Sana ako'y isang VIP

 

Kung ako ay naging isang VIP sana
Di na kinailangang ako ay pumila.
Bababa sa awtong magara
pinapalakpakan pa.
Sarili ko ang dadaanang
malambot na alpombrang kulay pula.

Ngunit ako'y isang maralita
hangin ang laman ng aking sikmura.
Kaya hayun at ako ay matiyagang pumila
walang kadala-dala kungdi kapal ng mukha
at marubdob na pagtitiyaga.
Sasayaw, kakanta upang mapagtawanan
at baka sakaling ako ay maging VIP na.

Tatlong araw nakabilad ang aking katauhan
upang ako ay mauna, mapili mula sa pila.
Niyurakan at inalipusta ng mayayamang dumadaan
doon sa may ULTRA.

Nang magkagulo at magkatulakan
ako ay nadapa't naapakan
di na bumangon yaring katauhan
kasukdul-sukdulang isipin na
muli't-muling niyurakan
aba kong buhay na salat, lalo na
ang dangal ko'ng hamak.

Lansa ng aking dugo
pumailanlang sa hanging mapanglaw.
Linsad ang mga buto't
gula-gulanit ang kasuotang
inuwi ng aking mahal na asawang tunay.
Hangad kong karampot na yaman
pinulbos ng tadhana, mga anak kong kawawa
bigla na lang naging ulila

If you need further assistance please see this
Comments:
Tito Rolly, napaka makata niyo po talaga. Keep up the good work! Isa po ako sa mga tagahanga ninyo.
 
Post a Comment

This page is powered by Blogger. Isn't yours?