<$BlogRSDUrl$>

Monday, September 27, 2021

Untitled 

 

Ilang tao ang nagbuwis ng buhay
upang mabuhay ng marangya
ganid na pugitang may budhing maitim
Sinipsip ating maalat na pawis
dugong payak at matibay na dibdib.
Sila’y namuhay na tila baga
dugong bughaw ang sa ugat
nila’y nananalaytay
Kay raming nasawi, karamiha’y kabataang
mag aaral na punung-puno ng adhikain
mataas ang mga pangarap pa mandin.
Isa –isa silang itinumba
tulad nuong dalawang manunuod
di na natagpuan dahil lamang anak
ni kamahalang pugita kanilang inalipusta
hanggang sa sumapit ang delubyo
sa ganid na pugita, mga galamay
nito’y naputol, isa isang nalanta.
Libu-libong nilalang lamabas sa Edsa
Humarap sa kanyon, bala at sandata.
Sa wakas, natapos si haring pugita
naging pusit na inadobo, at pinalayas
sa pwesto.
Ilang taon ang lumipas at sila’y nakabalik
O kay saklap at ang daling nalimot
pinagdaanang hirap at pagdanak ng dugo .
Oo, sakripisyo nila’y walang saysay
Lalo pa ngayo’t maraming nauupahan
na baguhin ang kasaysayan.

(0) comments If you need further assistance please see this

An Ode to the Faucet 

I hear little drips the leaky faucet makes
amid violent silence of the passing night,
It bothers me no end and could not sleep
With every drop drilling a hole in my brain
Those tiny drops seem to be amplified
a thousand fold, heard like screams
from another room. Steady rhythm
wild and isolated, cruel in every way.
I hear little drips the leaky faucet makes
In time with the IV drip

(0) comments If you need further assistance please see this

This page is powered by Blogger. Isn't yours?